I’ve been the Youth Leader of BBBC since 2009, sa loob ng ilang taon na ako yung nasa position in leading this young people of BBBC, sobrang dami kong pinagdaan. Sobrang daming sakit, sobrang daming sacrifices, sobrang daming failures and mistakes ang pinagdaanan ko. Ewan ko ba, ngayong gabing ito napaparealize talaga ako sa mga nangyari.
Alam ko naman na bata pa ko nun, di pa developed ang leadership skills ko at the same time 15 lang ako nun, ang gusto ko lang maglaro, makipagkaibigan at magenjoy. Yung responsibility ng isang leader hindi ko pa alam, kinailangan ko pa ng tulong at gabay, kinailangan ko pa ng ibang lakas. Spiritually di pa prepared, ni hindi ko pa alam paano mag-grow deeper sa Lord, basta ang alam ko lang dapat may PROJECTS and ACTIVITIES ako para sa mga kabataan.
I also put being friendly and being down-to-earth in a wrong concept, akala ko ‘pag ibinababa ang sarili ko sa kanila mas magiging ok, akala ko pag tinropa ko sila mas mafifeel nila na hindi ako malayo sa kanila at hindi ako tulad ng ibang leader na pala-utos, magagalitin at hindi ko sila maoofend. Naging sobrang close ako, pwede ko silang biruin, pwede din nila kong asarin at sumasama pa ko sa kung ano mang trip nila. Pwede pa nga nila kong utusan and that results to mediocracy and disrespectfulness.
I have experienced na nagwo-word ako, tinitignan ko sila at parang habang nagsasalita ako eh sinsabi nila sakin, “weh? di nga?” “ginagawa mo ba yan?” “eh.. bakit..?” “mukha mo!”. Kung di man yun totoo, at pandaraya man yun ng kaaway, siguro in a way kahit nila aminin sakin, siguro nangyari yun, kasi nga FRIENDS kami at CLOSE pa. Wala namang masama sa pagiging close at friends with your fellow young people pero TOO MUCH FAMILIARITY will lead to destruction, disrespect and wrong decisions. TOO MUCH ATTACHMENT din, masyadong ayoko silang ma-fail, ayoko silang magalit sakin, kaya hayaan nalang - and dami kong fault na nagyon ko siya mas nafi-feel at inaani.
Lately may nagsabi sakin, since wala na ko sa Position ko before, dapat di ko ibaba ang sarili ko at the level of those whom i’ve led before, dapat mas maggrow pa ko, mas maglevel up pa ko without stepping to the new leader. Tama yon, nagawa ko na, pagkaalis ko sa position, tinignan ko na na isa na ko sa mga normal na youth, without realizing and thinking na Deacon din ako. Sinabi din sakin na kung di ako magiging responsable sa sarili ko at hindi ko itataas ang sarili ko, dadating ang araw na yung mga ni-lead ko before would grow mature, would look down on me dahil ako nagstay ako sa position ko, di ako naglevel pa at di ako naging responsable. I kinda felt that now, as i saw those young people grow and became leaders themselves, they now talk to me in their level, masakit in a way pero I am happy to see them grow deeper in Jesus.
Okay so enough with the drama, now, i want to take steps, to redeem myself, bring back what i have lost and gain respect by improving myself and upgrading my leadership style. But most of all, grow deep and strong in my relationship with Jesus. No turning back, what’s done was done, ayos na yun! God knows my heart, gusto ko pang magpatuloy, at di pa huli ang lahat! He knows what to do, i just have to do my part!
GOD BLESS YOU LEADERS! Be still and take heart!
